Una sa Balita

6 na karera, ilalarga ng PHILRACOM

0 255

ANIM anim na karera lang ang hinain ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ngayong Biyernes sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite pero tiyak na masisiyahan ang mga karerista sa pagpili.

Ayon sa mga beteranong karerista, halos lahat ng karera ay mahirap pumili, may mga race rin na patukan pero malaki rin ang tsansa na manalo ang mga dehado.

“Sa race 1 pa lang tingin mo dalawang kabayo lang ang maglalaban dahil sa mga tip sa programa pero kung pag-aaralan mo mga takbo ng iba ay magaganda ang tiyempo kaya malaki rin ang panalo nila,” masayang sabi ni Carlos Villanueva, racing apisyunado.

Markado sa mga liyamadista sa race 1 sina Electrify at Kentucky Rain, makakalaban nila sina Dugong Bughaw, Samsingro­yal, Early Bird, Right Answer at Barumbado.

May distansyang 1,300 metro ang Three-Year-Old Group na kanilang tatakbuhin, magsisimula ito sa alas-6:40 nang gabi. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy