Una sa Balita

6 na galamay ng ‘Waray-Waray’ armed group patay sa engkuwentro

By
0 669

BULAGTA ang anim na miyembro ng notoryus na carnapping, robbery at illegal drug group sa naganap na shootout kahapon nang umaga sa Rodriguez, Rizal.

Dead on the spot ang mga suspek kung saan dalawa sa mga ito ay nakilala lamang sa alyas na ‘Henry’ na umano’y lider ng grupo at ‘Atan’, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng apat pang nasawi.

Ayon kay Sr. Supt. Lou Frias Evangelista, Rizal Police Provincial director, ang mga suspek ay kabilang sa mga natitirang galamay ng Waray-Waray Group na ang kadalasang operasyon ay sa lalawigan ng Rizal at karatig lungsod ng Metro Manila.

Naganap ang insidente dakong alas-8:15 nang umaga sa isinagawang anti-illegal drug operation ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Branch Provincial Drug Enforcement Unit at Rizal Police Provincial Office sa hideout ng mga suspek sa Double L, Brgy. San Isidro Rodriguez, Rizal.

Nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng grupo ng mga suspek at awtoridad kungsaan matapos ang ilang minutong barilan ay bumulagta na ang anim sa mga ito.

Nakuha sa mga suspek ang tatlong kalibre .38, isang kalibre .45, isang kalibre .40, isang .9mm na mga baril, granada, at aabot sa 50 gramo ng pinaniniwalaang shabu.

Nakuha din sa hideout ang ilang plano ng mga papasukin nilang bahay na balak sana nilang pagnakawan.

Dinala ang mga nakumpiskang ebidensya sa Rizal Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory para sa eksaminasyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy