Una sa Balita

6 magkakapatid nangaroling para sa may kanser na tito

0 2,009

MAY ibang misyon ang anim na magkakapatid sa Caloocan sa pangangaroling tuwing Pasko.

Hindi nila ginamit ang kinita sa pambili ng bagong damit o sapatos o pagkain ng kanilang pamilya.

Inipon nila ito para sa pagpapagamot ng kanilang tito na may sakit na kanser.

Tatlong taon na ang nakaraan nang ma-diagnose na may colon cancer ang tito ng magkakapatid na si Joewell Madera.

Upang makatulong sa kanilang tito, simula noon ay nangangaroling na sina Kenneth, Kristine, Kyle, Kim, Kristian at Karylle at ang kinikita ay ginagamit sa pagpapagamot ng kanilang tito.

Ang kanilang tito rin ang tumata­yong vocal coach ng magkakapatid na nahilig lang sa pagkanta simula nang dumating ang kanilang tito.

Labis naman ang pasasalamat ni Joewell sa tulong na ibinigay ng magkakapatid.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy