Una sa Balita

6 lugar signal no. 1 sa bagyong ‘Josie’

By
0 854

GANAP nang bagyo ang low pressure area (LPA) na mino-monitor ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) at pinangalanan itong ‘Josie’, ang ika-10 bagyo na pumasok sa bansa ngayong taon.

Sa pinakahulin­g weather bulletin ng Pagasa kahapon, namataan ang bagyong ‘Josie’ sa Sinait, Ilocos Sur, taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kilometer per hour at bugso na 60kph.

Ayon kay Pagasa Forecaster Nico Peñaranda, ang pagpasok sa bansa ng bagyong ‘Josie’ ay kasabay naman ng paglabas ng bagyong ‘Inday’ sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kahapon ng ala-una nang madaling-araw.
Pinalalakas umano ng hanging habagat ang bagyo kaya naman nagbabala ang Pagasa na asahan ang tuloy-tuloy na pag-uulan.

Abante Hiring – IT dep

Inilagay na sa storm signal no. 1 ang anim na lugar sa Luzon, kabilang dito ang Batanes, northern Cagayan, Babuyan Group of Islands, Ilocos Norte, kanlurang bahagi ng Ilocos Sur, Apayao at hilagang bahagi ng Abra.

Asahan din ang pag-uulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Zambales, Tarlac at Nueva Ecija at katamtaman hanggang malakas na pag-uulan sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon.

Pinag-iingat ng Pag­asa ang mga apektadong residente laban sa pagbaha at landslide gayundin ay mapanganib ang paglalayag sa mga lugar na may bagyo.

Maging maulan umano ang buong weekend at Lunes nang umaga, inaasahang lalabas ng PAR ang bagyong ‘Josie’.