Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

6 kulong habambuhay sa droga inabsuwelto ng SC

0 278

Inabsuwelto ng Supreme Court (SC) at inatasan ang Bureau of Corrections (BuCor) na palayain ang anim na preso na unang hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo sa kasong iligal na droga ng mga trial court at Court of Appeals (CA).

Sa limang magkakahiwalay na resolusyon ay sinabi ng SC na nabigo ang mga law enforcement officer na nagsagawa ng buy-bust operation na sundin ang procedures na inilatag sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act alinsunod sa Republic Act No. 9165, sa paghawak ng mga nakumpiskang iligal na droga na naging daan para maabsuwelto ang kanilang mga inaresto.

Nabatid na noong Abril 28 pa luma­bas ang resolusyon pero nitong Hunyo 22 lamang inilagay sa SC website.

Kabilang sa mga inabsuwelto ng SC ay si Angelo C. Aranas, na naaresto noong Hulyo 20,2016 sa Malate, Maynila sa iligal na droga kung saan noong Hulyo 21, 2017 ay hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo na kinatigan naman ng CA.

Gayundin si Antonio Ancheta, na naaresto sa San Fernando City, La Union noong Agosto 17,2015; Ro­nald D. Orale at Renato C. Gutierrez, na nahuli sa Parañaque City noong Agosto 26,2013; Nelly Ortizano, na nasukol sa kanyang bahay sa Bacolod City noong Abril 24, 2014 at Arnel Verbo, na naaresto noong Setyembre 14, 2014 sa Gattaran, Cagayan, pawang nahatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo at kinatigan ng CA ang mga ibinabang hatol. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.