Una sa Balita

6 koponan na sa 2018 PSL Collegiate Grand Slam – Juico

By
0 66

NAKATAKDANG ilarga ng Philippine Superliga (PSL) ang unang collegiate tournament na All-Filipino Confe­rence.

Sinabi ni PSL chairman Philip Ella Juico na umaatikabong bakbakan ang masisila­yan sa PSL Collegiate Grand Slam (CGS) kung saan ang mga maglalaro ay mga pambatong collegiate pla­yer bilang paghahanda sa kanilang potential career sa semi-professional league.

Papagpag ang nasabing liga tuwing Sabado na mapapanood ng live sa league’s official broadcast partner sa ESPN5, AksyonTV at sports5.ph.

Sa ngayon, may anim na team ang naghayag ng pagsali, ito’y ang University of the Philippines (UP), Far Eastern University, University of the East (UE), University of Santo Tomas (UST), De La Salle University-Dasmariñas at Colegio San Agustin (Biñan selection).

Umaasa si Juico na marami pang sasali.

“We want to explore the possibility of ha­ving a strong collegiate league,” sambit ni Juico, dating Philippine Sports Commission chairman at presidente ng Philippine Amateur Track and Field Association.

“We have six teams in our inaugural conference. But we expect more college squads to join as soon as we get this tournament off the ground.”