Una sa Balita

6 katao pinaaresto ng Cavite vice mayor sa pagtatapon ng basura

0 268

By Gene ­Adsuara

SWAK sa kulungan ang may-ari ng isang trucking at lima nitong tauhan matapos na naaktuhan na nagtatapon ng basura sa General Mariano Alvarez (GMA) Cavite.

Kasong paglabag sa RA9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) ang isinampang kaso laban kay Wilfredo Corda Bobis, 66, may-asawa, may-ari ng W. Bobis Trading at truck na may plakang DRW-971 ng 298 Ext. CRS Farm Estate Brgy. F Reyes, GMA, Cavite at mga tauhan nitong sina Moi­ses Abeli­das, 36, binata, truck driver; Ryan Castro, 34, helper; Edgar Malan, 38; Nelson Silvano, 57, lalaki, may asawa, driver at residente ng Blk. 4 Lot 12 Brgy. Elesis, GMA, Cavite at Archite Guerrero, 23, helper dahil sa reklamo ni GMA Vice Mayor Maricel Echevarria Torres, 45 at Michael Sortijas Templonuevo, 46 ng Blk. 15 Lot 14 Tea­chers Village Brgy. San Gabriel, GMA, Cavite.

Nagsampa ng reklamo si Vice Mayor Torres kay PMSgt Luis Di­vina ng GMA Municipal Police Station.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy