Una sa Balita

6 katao inararo ng jeep sa Cavite

0 245

SUGATAN ang anim na katao, kabilang ang talong kababaihan at isang menor de edad nang araruhin ng isang pampasaherong jeepney na minamaneho ng lasing na driver sa Bacoor City, Cavite.

Pawang ginagamot ngayon sa St. Dominic Hospital ang biktimang sina Donna Capellan Gunda, 30, dalaga, business Processing ng Blk. 3 Lot 9 Marigold St. F and E De Castro Subd. Brgy. Niog 3 Bacoor City; Beverly Amay Garcia, 40, ng Brgy. Ligas 1 Bacoor City; Marivic Saycon Bonilla, 35, may-asawa ng 141 Doña Alicia Subd. Brgy. Ligas 1 Bacoor City; Me­lanie Necesario Agting, 42, may-asawa, street vendor ng 184 Brgy. Ligas 1 Bacoor City; Reggie Capellan Gunda, dalaga, isang College Instructor ng Blk. 3 Lot 9 Marigold St. F at E De Castro Subd. Brgy. Niog 3 Bacoor City at alyas Ivannah, 12.

Hawak naman na ng pulisya ang driver ng isang pampasaherong jeepney na si Leonardo Distor Martines Jr., 69, ng Brgy. Nicolas 1 Bacoor City.

Sa ulat ni PSSG Mark Francis Cortes ng Bacoor City Police Station, nangyari ang insidente dakong alas-8:30 kamakalawa nang gabi sa harapan ng 7/11 Convenient Store sa Brgy. Ligas 1, Bacoor City, Cavite kung saan lahat ng mga biktima ay nakatayo sa nasabing lugar habang naghihintay ng masasakyan nang bigla na lamang araruhin sila ng isang kulay green na pampasaherong jeepney (PMA 721) na minamaneho ng suspek.

Isinugod ang mga biktima sa ospital kung saan tanging si alyas Ivannah ang napuruhan nang nabalian ito ng tadyang.

Nabatid na lasing ang driver kaya wala ito sa wisyo habang nagmamaneho.

Kasong Reckless imprudence resulting­ to Multiple injuries and damage to property ang isinampang kaso laban sa driver. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy