Una sa Balita

6 kalaboso sa pinataas-presyong thermal scanner, medical supply

0 429

Naaresto ng mga awtoridad ang anim na katao sa magkakasunod na operasyon sa pagbebenta ng overpriced na thermal scanners, alcohol at goggles sa Valenzuela, Maynila, at Quezon City.

Unang naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group, Regional Field Unit (CIDG-RFU), sa isinagawang entrapment operation ang mga suspect na sina Prince Valentine Florentino at Jem Taguiam, kapwa nasa hustong gulang at naninirahan sa Marulas , Valenzuela na nakumpiskahan ng 125 piraso ng thermal scanners na nagkakahalaga ng P687,500.00.

Ang mga ito ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 7851 o Price Act, RA 11469 o Bayanihan to Heal as One Act at RA 7394 (Consumer Act).

Ikalawa, dakong alas-2:30 ng hapon ng Abril 7, dinakip din sa entrapment operation ng RFU NCR, Quezon City District Field Unit, District Intelligence Division-QCPD, at RID-NCRPO at 301st SMG, Philippine Air Force ang beautician na si Merlita Mesa Toong, 4, ng No 1293 Buenavidez St., Sta Cruz, Maynila, sa loob ng Must Have Beauty Parlor, sa nasabing address, sa pagbebenta ng overpriced na alcohol, facemask, at goggles.

Nakumpiska mula kay Toong ang 40 gallon at 96 litro ng isopropyl alcohol, 15,000 disposable facemasks, 250 piraso ng safety goggles na may kabuuang halagang P1,266,700.00.

Ikatlong operasyon ay nadakip naman sina Jake Olay, 43, negosyante, ng no. 3 Byron St., Lot 29 Block 14, Filinvest Heights, Barangay Batasan Hills, Quezon City; at Mark Wilfred Tiongson II y Reyes, 23, naninirahan din sa nasabing lugar, dakong alas -2:30 ng hapon ng Abril 7, sa harapan ng Annabelle’s Rest., sa Scout Delgado St. corner Timog Avenue, Barangay Kamuning, QC.

Matapos makumpirma ang ‘tip’ ng informant, ikinasa ng RFU-NCR, NPD- MMDFU, QCPD-DF, RID-NCRPO at QCPD-Station 10 at nasamsam mula sa mga suspect ang thermal scanners na nagkakahalaga ng P219,000.00 at 10 goggles na nagkakahalaga ng P4,650.

Nakumpiska din sa negosyante ang isang kalibre 38 (taurus revolver) 5 bala at expired na LTOPF.

Bukod sa paglabag sa Price Act, sinampahan din ng reklamong paglabag sa PRRD Proclamation No. 922 at R.A 10591 o Illegal Possession of firearms and Ammunitions.

Huling naaresto sa entrapment operation ng Manila DFU, RID-NCRPO at PS 10, RC-RFU-NCR dakong -alas 3:30 ng hapon sa harapan ng BDO Otis Branch, Otis, Pandacan, Maynila, ang suspect na si Lea Joy Cueto Araciel, 30, ng no 3888 Sto. Tomas St., Pinalad, Pasig City.

Nakuha kay Araciel ang 100 thermal scanners na may halagang P550,000.00 ; 1,000 N-95 face masks na P198,000.00 kaya’t nahaharap siya sa paglabag sa Price Act, , R.A. 11469, R.A. 7394, Art. 14 para 7 RPC (Aggravating Circumstances), DTI Memo Circular No. 20-07 (Anti-Hoarding and Anti-Panic Buying), at PRRD Proclamation No. 922. (Armida Rico)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More