Una sa Balita

6 kabahayan naabo sa Pasig

By
0 1,392

Tinupok ng apoy ang anim na kabahayan na kung saan ay umaabot sa 55 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang masunog ang isang residential area sa Sandoval St., Barangay Pinagbuha­tan, Pasig City, kahapon ng umaga.

Batay sa report, uma­bot sa 2nd alarm ang sunog na nagsi­mula bandang alas-dos ng madaling-araw kahapon na nagsimula sa bahay umano ni Joel Pintang, nasa hustong gulang, isang emple­yado.

Umamin naman si Pintang na posibleng sa kanila nagsimula ang sunog dahil nakikikabit lamang umano siya ng kuryente sa kanyang kapitbahay.

Wala naman naiulat na nasaktan sa halos isang oras na sunog na idineklarang fire out pasado alas-tres na ng madaling araw habang inaalam pa ang kaubuang halaga ng natupok ng apoy.