Una sa Balita

6 flag bearer asam ni Ramirez

By
0 523

Anim na atleta ang nais ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman at Team Pilipinas Chef de Mission William ‘Butch’ Ramirez na maging flag-bearer ng ‘Pinas sa pagbubukas ng bansa sa iho-host na 30th Southeast Asian Games 2019 sa Nobyembre 30-Disyembre.

“May mga nagsasabi na mapapagod ang mga atleta natin, pero marami din ang gusto na maipakita natin ang mga mahuhusay nating mga atleta na nagkakaisa at maganda at positibo rin ang kagustuhan ng iba. So ako, I will push through kahit na anim na atleta ang flag bearers,” sabi ni Ramirez.

“Mas maganda naman siguro na lima hanggang anim na magagaling mo na atleta ang nagbibitbit sa flag ‘di ba?” sabi ni Ramirez patungkol sa mga kandidato sa flag bearers na sina Carlos Edriel Yulo sa gymnastics, Hidilyn Diaz sa weightlifting, Nesthy Petecio sa boxing, Ernest John Obiena sa athletics at Eumir Felix Marcial sa boxing pati na rin sa Margielyn Didal sa Skateboarding.

“Puwede rin naman kami sa Office of the CDM dahil anim din naman kami,” pagbibiro pa ni Ramirez.

Si Diaz ay naging silver medalist sa 2016 Summer Olympic Games at gold medalist sa 2018 Asian Games bago nagwagi nito lang nakaraan ng tanso sa 2019 World Weightlifting Championships sa Thailand.

Si Didal ay binuhay ang pagkilala sa skateboarding sa pagkopo ng gintong sa 2018 Asiad, nasa Top 15 ng 2019 Skateboarding World Championships at kaka-Top 8 lang sa Olympic Qualifying Tournament.

Nag-silver si Marcial sa 2019 Men’s World Boxing Championships at bronze medalist sa 2018 Asian Games. Asam niya sa SEA Games ang ikatlong sunod na gold.

Si Obiena ang unang Pilipinong nag-qualify sa 2020 Tokyo Olympic Games at naging gold medalist sa 2019 Summer Universiade at 2019 Asian Championships.

Pinakabata sa lahat ang 19-anyos na si Yulo na unang Pinoy at Southeast Asian gymnast na naka-gold sa buwang itong FIG World Artistic Championships sa Germany. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy