Una sa Balita

6 estudyante sugatan sa banggaan ng tricycle at motorsiklo sa Ifugao

By
0 431

SUGATAN ang anim na senior high school student matapos na bumangga ang kanilang sinasakyang tricycle sa isang motorsiklo sa kahabaan ng Sta. Maria, ­Alfonso Lista, Ifugao noong Linggo.

Kinilala ng Alfonso Lista Police Station (ALPS) ang mga biktima na sina si Jomar Viloria Salas, 16-anyos, driver ng tricycle, Grade 11 at mga kasamahang sina Marjorie Viloria Salas, 14, Grade 10, ng Cabaruguis, Quirino, Province; Joseph Marcelo Salas, 14, Grade 11; at Maricel Marcelo Salas, 17, na kapwa taga-Laya, Alfonso Lista, Ifugao.
Sa report ng ALPS, nagkatuwaan umano ang mga estuyante na mag-joy ride gamit ang tricycle na minamaneho ni Salas, na umano’y walang lisensya.

Ayon sa mga nakasaksi, over speeding umano ang tricycle kung kaya’t sinuwag nito ang kasalubong na motorsiklo habang papaliko sa isang blind curve sa kahabaan ng Sta. Maria.

Dito, nasugatan ang mga biktima pati na ang driver ng motorsiklo kasama ang kanyang backride na mga estudyante rin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy