Una sa Balita

6 CAFGU na bihag ng rebelde pinalaya

By
0 536

Pinakawalan ng rebeldeng grupo na New People’s Army (NPA) ang anim na miyembro ng Citizen Armed For­ces Geographical Unit (CAFGU) na kabilang sa 15 binihag na tropa ng pamahalaan sa Agusan del Sur.

Kinilala ni Lt. Col. Ezra Balagtey, spokesman ng Army’s 4th Infantry Division, ang mga pinalayang sina Jurian Gaviola, Marson Iligan, Bienvenido Lamion, Eddie Tindoy, Sanny Malobay at Hermito Iligan.

Dakong alas-6:07 Huwebes nang gabi nang palayain ang mga nasabing bihag sa Brgy. San Juan, Bayugan City, Agusan del Sur. Sumasailalim na sa medical at psychological treatment ang mga ito.

Ayon kay Capt. Reggie Go, spokesman ng Army’s 4th Infantry Division, ang mga pinalaya ay kabilang sa dalawang sundalo at 13 CAFGU na binihag sa Brgy. New Tubigon Patrol Base sa Sibagat, Agusan del Sur noong Disyembre 19, 2018.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More