Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

6 buwan pang suspensiyon ng VFA aprub sa DND

0 50

Suportado ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang suspensiyon sa pagbasura sa Vi­siting Forces Agreement (VFA) sa Estados Unidos.

“The DND fully supports the President’s decision to suspend for another six months the termination of the Visiting Forces Agreement,” sinabi ni Lorenzana.

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na extended ng anim pa na buwan ang suspension ng ‘abrogation’ ng VFA.

Paliwanag ni Locsin, nagdesisyon ang Pangulo na suspindihin ito para mapag-aralan ng dalawan­g kampo ang kasunduan at maayos at maplantsa ang mga gusot na sinegundahan ni Lorenzana. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.