Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

6 Binangonan cop sabit sa extortion

0 165

Ipinag-utos kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief General Debold Sinas ang imbestigasyon hinggil sa naganap na robbery extortion kung saan sangkot umano ang anim na pulis na nakatalaga sa Binangonan nang maaresto ang dalawang sibiliyan na umano’y police asset nito dahil sa kasong robbery extortion.

Dawit din sa imbestigasyon ang hepe ng Binangonan Municipal Police na si Lt. Col Ferdinand Ancheta dahil sa command responsibility kaugnay ng alegasyon hinggil sa anim na pulis na siyang utak diumano sa naganap na robbery extortion.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nadakip sa entrapment operation nitong Martes sina Albert Domingo at Pablo Dolfo pawang mga civilian asset. Nag-ugat ito sa reklamo ni Stephen Kellu, na hinihingian siya ng pera ng mga pulis para mailabas ang naka-impound niyang motorsiklo.

Kinilala ni Kellu ang anim na sangkot na pulis na umano’y sangkot sa paghingi sa kanya ng pera, na sina SMSgt. Randy Andanar; SSgt. Joel Acosta; SSgt. Joe Sevillena; Cpl. Allan Alvarez; Cpl. Marson Tayaban at Cpl. Ew Armenis.

Bukod dito ay nadiskubre din ni IMEG Director Col. Thomas Frias na ang isang person under custody na nakilalang si Cpl. Archieval Perez, na sangkot sa isang kaso at walang piyansang nakalaan para sa pansamantalang kalayaan nito ay nasa labas ng selda at nagsilbing lookout sa naganap na pay-off ng dalawang suspek at ni Kellu. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.