Una sa Balita

6 big time drug lord sa Cagayan itutumba ni Duterte

0 543

MARKADO na kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang anim na bigtime sa sindikato ng iligal na droga sa lalawigan ng Cagayan.

Sa kanyang talumpa­ti sa pagbisita­ sa Tuguegarao City, Cagayan Martes nang gabi, Abril 16, binantaan ng Pangulo ang anim na bigtime sa iligal na droga na itutumba niya ang mga ito.

Sinabi ng Pangulo na palipat-lipat aniya ng lugar ang mga ito sa pagitan ng Cagayan, Baguio at Mountain Pro­vince pero hindi makakalusot ang mga ito.
Hindi aniya siya mauutakan ng anim na ‘big fish’ sa Cagayan kaya bilang na ang araw ng mga ito.

“Dito sa Cagayan, may mga anim pa dito na malaki tapos tutumbahin ko talaga yan. Akala nyo mas bright kayo sa gobyerno ha. Kayo, kayo sisirain,” anang Pangulo.

Matatandaang sa inilabas na narco list ng Pangulo kamakailan ay ilang opisyal sa Cagayan ang napangalanan kabilang na ang isang babaeng alkalde. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy