Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

6 bayan sa Isabela kinalampag sa African Swine Fever

0 223

Matapos maitala ang 2nd wave ng African Swine Fever (ASF), muling inalerto ang anim na bayan ng Isabela ng Department of Agriculture-Region 2 (DA-R2).

Ayon kay DA-R2 executive director Narciso Edillo, nasa mahigit 400 na baboy ang isinailalim na sa culling operation o puwersahang pagkatay.

Sinabi ni Edillo na ang mga baboy ay galing sa mga bayan ng Luna, Ramon, Aurora, Roxas, Quezon at Mallig.

Paliwanag ng opisyal, maaaring nagmula sa infected na slaughter house sa bayan ng Raniag, Ramon ang muling pagkalat ng virus sa mga alagang baboy sa mga nasabing bayan.

Dahil dito, ayon kay Edillo, patuloy ngayon ang contact tracing at nagbigay siya ng direktiba sa mahigpit na monitoring sa inilatag na checkpoints sa mga entry and exit point ng bawat probinsya. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.