Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

6 barangay sa Zambo binaha

0 150

Nalubog sa baha ang anim na barangay sa Katipunan, Zamboanga del Norte kahapon nang dahil sa malakas na buhos ng ulan, ayon sa paunang ulat na nakarating sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Nagsimula ang ulan noong Sabado at nagtuloy-tuloy ang buhos nito kaya’t pinasok ng tubig-baha ang ilang bahay kung saan nanatili ang mga residente sa bubong ng kanilang bahay.

Binaha rin ang isang paaralan at ilang palayan pero kalaunan ay humupa rin ang baha.

Sa ngayon ay binabantayan ng Pagasa ang isang LPA sa bahagi ng Legazpi City, Albay pero mababa naman anila ang tsansa na maging ganap itong bagyo. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.