Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

6 barangay official sa `super spreader’ kinasuhan na

0 35

Papanagutin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang anim na barangay official dahil sa nangyaring mass gathering sa kanilang mga lugar.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, bigong masita ng nabanggit na mga opisyal ang mga aktibidad na posibleng maging COVID-19 super spreader sa kanilang barangay.

“Sa inyo pong pag-uutos na kasuhan natin ang mga barangay officials, anim po ang nakita natin dito at nakasuhan,” lahad ni Año sa pakikipag-usap kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasama sa mga nakasuhan ay mga nagkulang sa insidente sa Gubat sa Ciudad Resort sa Caloocan City; resort operation sa San Jose, Navotas City; boxing match sa Brgy. 181 at 182 sa Tondo, Manila; pagdumog sa Bakas River sa Brgy. Matiktik, Norzagaray, Bulacan; Brgy. Balabag sa Boracay at Brgy. Sambiray, Malay, Aklan; at Club Holic Bar and Restaurant sa Brgy. Kamputhaw, Cebu City.

Matatandaan na pinag-utos ni Duterte na arestuhin ang mga barangay chairman na malulusutan sa mass gathering sa kanilang nasasakupan. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.