Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

6 bagsak sa panghuhuli ng bayawak

0 43

TIMBOG ang anim na katao dahil sa panghuhuli ng mga bayawak sa Dulag Leyte nitong nagdaang weekend.

Sa report, nahuli ang mga suspek na nanghuli ng tinaguriang “threatened species,” sa Barangay Tabu.

Sinabi ng mga otoridad, mga residente ng Barangay Bagacay East sa La Paz, Leyte ang mga nahuling suspek.

Nakakuha ng tip ang mga otoridad mula sa isang Redentor Artugue, na chairman ng Brgy. Tabu ng bayan kung saan naaktuhan ang mga suspek na nanghuhuli ng mga bayawak.

Nakuha mula sa mga suspek ang 11 bayawak, isang air gun, kasama ang 84 pirasong pellets nito, at isang 6-wheeler truck. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.