Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

6 baby mula Bicol tigok sa COVID

0 42

Anim na ang mga sanggol sa Bicol region na namamatay nang dahil sa COVID-19.

Ito ang malungkot na balita ng Department of Health Center for Development ng Bicol.

Anila, matinding COVID-19 ang nakuha ng mga sanggol, at ang pinakabata sa mga namatay ay isang buwan pa lamang.

Sa report ng DOH-CD, ang mga nasawing sanggol ay nagmula sa Albay, Camarines Sur, Masbate, at Sorsogon.

Hindi naman sinabi sa report kung ang mga magulang o ina na nanganak ay may COVID-19 din o sa ibang lugar nakuha ng mga sanggol ang nasabing sakit. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.