Una sa Balita

6 araw na brownout kinasa ng meralco-mvp

0 277

Nagpaalala sa kanilang mga kostumer ang Manila Electric Company (Meralco) kaugnay ng naka-iskedyul na power interruption sa Abril 23 hanggang Abril 28 bunsod ng gagawing maintenance work ng power distributor.

Kabilang sa maapektuhang lugar ang ilang bahagi ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.

Sa Caloocan City: Bahagi ng Langit Road malapit sa Katarungan St. Bagong Silang Kaliwa na mawawalan ng kuryente sa pagitan ng alas-11:00 nang umaga ng Abril 24 at alas-singko nang unmaga ng Abril 25.

Las Piñas City (Pulang Lupa II): Naga Road mula Velasquez Compound hanggang Diamond St., Abril 25-26.

Makati City (Comembo): Apitong St., mula 1st St-3rd St., Abril 22-23.

Makati City at Manila (Paco, Sta. Ana), Abril 27 to 28.

Manila (Sampaloc), Abril 23-24.

Manila (Sampaloc, Sta. Mesa); Quezon City (Doña Imelda, Santol, Sto. Niño); San Juan City (Batis,Progeso, San Perfecto), Abril 28.

Parañaque City ( Sto. Niño), Abril 24-25.

Pasay, Makati City, Abril 27.

Quezon City (Tatalon), Abril 23-24; QC (Commonwealth) Abril 25.

Taguig, Pasig City, Abril 25.

Valenzuela (Canumay West), Abril 22.

Samantala sa Bulacan, apektado ang Pandi, Angat, Norzagaray, San Rafael.

Sa Cavite, ang Dasmariñas City at Carmona at sa Biñan at San Pablo sa Laguna. Apek­tado rin ang Angono, Rizal. Ang Meralco ay pag-aari ng binatang negosyante na si Manny V. Pangilinan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy