Una sa Balita

6-anyos patay, 120 pamilya inilikas dahil sa lindol sa Zambales

0 330

IBA, Zambales — Isang anim na taong gulang na bata ang nasawi at hindi bababa sa 120 pa­milya ang inilikas sa lalawigan nang yanigin ng 6.1 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Luzon nitong Lunes.

Base sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) noong alas-10:30 nang gabi, nakilala ang biktimang si Waring Serano, residente ng Barangay Buhawen sa bayan ng San Marcelino, na dumanas nang malubhang pinsala matapos mabagsakan ng bato sa isang landslide.

Iniulat din ng PDRRMO ang landslide na naganap sa Mt. Bimmukel sa nasabing barangay na nagresulta sa pagbakwet ng 120 pamilya.

Nagdulot din ang lindol ng bahagyang landslide sa Barangay Aglao at bahagyang pinsala sa creek sa Purok 3, Brgy. Burgos, na pawang nasa bayan ng San Marcelino.

Maaari pa ring daanan ng mga sasakyan ang lahat ng kalsada sa lalawigan at wala ring naganap na pagkawala ng kuryente nang iulat ang lindol.

Upang matiyak ang kaligtasan ng Zambaleños, sinuspinde ni Gov. Amor Deloso ang klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy