Una sa Balita

5th straight PH Cup crown, totomain ni ‘Kraken’, SMB

0 161

Finals Game 7 nga-yon:
(Smart Araneta Coliseum)
7:00pm — SMB vs. Magnolia
(Series tied 3-3)

NABUHAY ang tsansa ng San Miguel Beer sa pambihirang five-peat crown nang itabla sa 3-3 ang PBA Philippine Cup Finals laban sa Magnolia 98-86 noong Linggo.

Babalik ng Smart Araneta Coliseum ang Beermen at Hotshots mamaya para sa season-opening finale, ang winner-take-all Game 7.

Abot-kamay ng San Miguel ang titulo para sementuhan ang legacy sa 44-year-old league.

“I think next game, pinag-uusapan na dito ang legacy,” ani SMB coach Leo Austria. “I hope, ‘yung pride na nakuha namin in the past few years, hindi namin mawala.”

Nagpakita sa serye sina Marcio Lassiter, Christian Standhardinger at Chris Ross, nagkaroon ng ayuda si June Mar Fajardo. Ang mga tulad nina Terrence R­omeo at Arwind Santos, may mahalagang kontribusyon din sa series-tying win.

All-out ang squad para ituloy ang dynasty sa all-Filipino.

Si Santos, nakahinga nang maluwag nang mapigil nila ang bagsak ng lobo ng Hotshots na nakabitin na sa bubong ng Big Dome. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy