Una sa Balita

.5M hover boards binawi sa merkado

By ,
0 2

Iniutos ng Consu­mer Product Safety Commi­sion sa Estados Unidos ang pagbawi sa mahigit sa 500,000 hover boards sa merkado dahil sa ulat na sunud-sunod na aksidenteng natatamo ng mga gumagamit nito.

Ayon sa ulat, kabilang sa mga manufacturers ng mga hover boards ay ang AirWalk, Razor, Swagway, Masable at 10 iba pang brands ng natu­rang produkto.

Nabatid na halos lahat ng mga mamimili na bumili ng hover boards sa Amerika ay humihingi ng refund.

Sa ulat, naitalang may 100 insidente na ang nangyari matapos gumamit ng hover board at karamihan sa mga ito ay nagtamo ng malalang sugat sa katawan kung saan nangga­ling ito sa bansang China.

May ilang kaso na nasunog ang mga hover boards habang ginagamit dahil sa pag-init na ba­terya nito.

Sinabi pa ng Consumer Product Safety Commission na na­ngako ang Chinese retailer Alibaba na magbibigay ito ng safety check certification sa mga magbebenta nito sa merkado.