Una sa Balita

5M botante sa abroad pinagpag ng Comelec

0 335

AABOT sa 578,185 overseas vo­ter ang tinanggal sa listahan ng mga botante ng Commission on Elections (Comelec) matapos na hindi bumoto noong 2016 at 2019 national at local elections

Ito ang pahayag kahapon ng Department of Foreign Affairs Overseas Voting Secretariat (DFA-OVS).

Kaugnay nito ay hinikayat ng DFA na muling magparehistro ang mga apektadong overseas voter upang makaboto sa 2022 presidential elections.

Ayon sa DFA, lahat ng mga OFW, immig­rant, seafarer, estudyanteng nasa ibang bansa at hindi pa rehistradong overseas voter ay maaaring magparehistro mula Disyembre 16, 2019 hanggang Setyembre 30, 2021.

Narito ang mga lugar na maaaring magpare­histro: Sa mga embahada ng Pilipinas, Consulate General Mission, Manila Economic and Cultural Office (MECO) at ang mga Overseas Voter Registration Centers na itinalaga ng Comelec. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy