Una sa Balita

594 tulak, wanted nalambat sa 3-day police ops

0 391

KALABOSO ang 594 katao, kabilang ang 21 most wanted person, makaraan ang ikinasang tatlong araw na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Central Luzon.

Sinabi pa ni P/Brig. Gen. Rhodel Sermonia, Regio­nal Director ng Police Regio­nal Office 3 (PRO3), sa 594 na nadakip at 158 dito ang may standing warrant of arrest dahil sa iba’t ibang kaso, 189 ang nadakip sa drug war at 247 ang arestado sa police response at lumabag sa local ordinance.

Umabot sa 20 iba’t ibang klase ng baril ang narekober, gayundin ang 492 pakete ng shabu at 44 na pakete ng damo bukod pa sa sandamakmak na drug pa­raphernalias.

Sa 594 na nadakip, ang lalawigan ng Pampanga ang nanguna sa 113 nadakip, pa­ngalawa ang Bulacan na may 91 naaresto, 90 sa Nueva Ecija, 81 sa Olongapo City, 69 sa Tarlac, 46 sa Bataan, 35 sa Angeles City, 31 sa Zambales at 13 sa Aurora habang 23 ang nasakote ng Regional Intelligence Division at 2 sa Regional Highway Patrol Unit 3. (Jun Borlongan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy