Una sa Balita

59 sasakyan ng Sta. Rosa LGU mai-impound – COA

0 252

Maaaring ma-impound ng Land Transportation Office (LTO) ang 59 sasakyan ng pamahalaang lokal ng Sta. Rosa, Laguna dahil sa hindi pagpaparehistro ng mga ito, ayon sa Commission on Audit (COA).

Umaabot sa 37 sasakyan na may halagang P28.78 milyon ang paso na ang rehistro, habang 22 naman na may halagang P37.68 milyon ang hindi pa pinaparehistro ng Sta. Rosa LGU.

Natuklasan din ng COA na apat pang sasakyan ang walang Certificates of Registration kung kaya’t nakapagdududa kung sino talaga ang nagmamay-ari ng mga sasakyan na ito.

Inatasan ng COA ang city government na madaliin ang registration at renewal upang maiwasan ang pag-impound at pagbabayad ng malaking multa.

Nangako naman ang Sta. Rosa LGU na sundin ang rekomendasyon ng komisyon. (Yves Briones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy