Una sa Balita

586 huli sa paglabag sa ordinansa sa EPD

By
0 1,123

Umaabot sa 586 katao ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Eastern Police District (EPD) sa isinagawang Simultaneous of Anti Criminality Law Enforcement Operation, simula kamakalawa hanggang kahapon ng umaga.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni EPD director Supt. Reynaldo Biay, patuloy ang pagsasagawa ng operations laban sa mga lumalabag sa ordinansa ang mga kapulisan sa Pasig, Marikina, Mandaluyong at San Juan City.

Sa Pasig, nasa 97 katao ang dinampot kabilang na dito ang 71 katao na lumabag sa ordinansa ng anti smo­king, half-naked, rescued minor at urinating in public habang dalawa ang naaresto sa bisa ng warrant of arrest, tatlo sa illegal drugs o RA 9165 – 3, apat sa illegal gambling o PD 1602- at lima ang huling drinking in public.

Nasa 150 katao naman ang inresto ng Mandaluyong Police kabilang na ang 84 na lumabag sa traffic violations, isa sa illegal gambling, dalawa sa illegal drugs, 13 sa anti-smoking, 10 na walang damit pang itaas o half naked, riding-in-tandem nasa 38 at warrant of arrest ay dalawa ang naaresto.

Traffic violations ang mataas na kaso ang naitala sa Marikina City na kung saan ay umabot ito sa 78 ang naaresto, isa sa illegal drugs, 23 na anti- littering, 34 half naked, 75 na smoking in public places, drinking in public place ay nasa 27, apat sa sleeping in public place, tatlo sa solicitation at tatlo sa illegal vendor and illegal barker na umabot sa 248 ang nahuli.

Nasa 91 katao naman ang inaresto ng San Juan Police na karamihan ay natiketan dahil sa paglabag sa batas trapiko na umaabot sa 88 katao habang da­lawa sa service of warrant at isang rescued minor.