Una sa Balita

Heat stroke maaaring makamatay

0 12
Kapag sobrang nag-iinit ang temperatura (above 104 degrees Fahrenheit o 40 C) ng katawan dahil exposed sa sobrang init ng kapaligiran ito ang stage na tinatawag na heat stroke (sunstroke din kung tawagin).
 
Ang heat stroke ay seryosong heat injury at may kasamang dehydration kaya hindi gumagana ang temperature control system ng katawan. Kapag tinamaan ng heat stroke kinokonsidera itong emergency at dapat nang malapatan ng first aid habang wala pa sa pagamutan o wala pang paramedics. Delikado ito dahil maaaring mamatay ang pasyente o makasira ng utak (o central nervous system) at iba pang internal organs.
 
Karaniwang tinatamaan nito ay mga taong nasa edad 50 pataas pero posible ring tamaan ang mga healthy young athletes o ‘yung mga bilad nang sobra sa init.
 
Sintomas:
* pananakit ng ulo na parang pumipintig
* pagkahilo
* hindi pinapawisan kahit pa sobrang init
* namumula, nanunuyo at mainit ang balat
* mabilis o mabagal na pagtibok ng puso
* hirap sa paghinga
* ibang kilos, lito, o hindi makapag-isip nang maayos
* seizures o kombulsyon na kapag tumitirik na ang mata ng pasyente na nasasabayan pa ng paninigas ng paa nito paakyat sa kamay at sa iba pang bahagi ng katawan
 
First aid:
* ilabas ang pasyente sa lugar na may hangin
* kailangang mabasa ang balat ng pasyente o mapahiran ito ng basang towel. Maaaring tubigan gamit ang hose o ilubog sa tubig ang katawan
* maglagay ng yelo sa kilikili, singit, leeg at likod (ito ang area na maraming blood vessels na malapit sa balat)
 
Paano maiiwasan?
* umiwas sa mainit o kulob na lugar
* uminom palagi ng tubig lalo ngayong tag-init
* iwasan ang uminom (alcoholic drinks)
* iwasan ang magsuot ng makakapal na tela ng damit
* kung mag-eehersisyo, uminom muna ng kahit dalawang basong tubig
* mag-ehersisyo lamang sa lugar na may sapat na hangin o iwasan ang oras kung kailan mainit sa labas