Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

58-anyos grumadweyt: Lola proud sa diploma

0 192

Hindi pa huli ang lahat para sa isang 58-anyos na lola dahil alam nyang isa sa mataas na maaabot na pangarap ng isang tao ay ang makapagtapos ng pag- aaral kaya kahit may apo na ay tuloy pa rin sa buhay estudyante.

Siya si Lola Elena dela Rosa Satairapan, taga-Virac, Catanduanes na kahit na tutol ang asawa at kinukutya sa paaralan ay hindi inalintana basta focus lang siya sa pag-aaral hanggang sa makapagtapos ng Kolehiyo.

“Graduate na si Lola”, ito ang kanyang naririnig na pagbati mula sa mga apo, kaklase at maging sa asawa na tutol sa kanyang pag-aaral.

Si Lola Elena ay may 5 anak at 15 apo at mataas sana ang pangarap subalit hindi natupad dahil sa maagang pag-aasawa. Pagtuntong ng 50-anyos ay ipinagpatuloy ang pag-aaral at natapos sa edad na 58 sa kursong Bachelor of Science in Business Administration, Major in Marketing Management sa Catanduanes Colleges.

Sa kabila ng kahirapan ay pinilit ng matand na makapagtapos sa pamamagitan ng pagiging working student o pagtitinda-tinda. Malaking tulong rin aniya ang natatanggap sa pamahalaan na P2,000 na panggastos sa pag-aaral.

Nagawa rin niyang lumapit sa politiko para mabigyan ng educational assistance at sa DSWD na nakaagapay din sa kanyang pagtatapos. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.