Una sa Balita

569 barangay sa Bulacan sabay-sabay maglilinis

0 257

UPANG maiwasan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit katulad ng Dengue, Polio at African Swine Fever, magsasagawa ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pakikipagtulungan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng International Coastal­ Clean-up (ICC) Phili­ppines ng sabayang paglilinis sa lahat ng 569 barangay ng Bulacan ngayong Sabado.

Tinututukan ng pamahalaang panlalawigan ang malinis na kapaligiran, bilang isa sa mga prayoridad sa ‘People’s Agenda 10’ kaya naman hinihikayat nina Gobernador Daniel Fernando at Bulacan 1st District Rep. Jonathan Alvarado ang bawat Bulakenyo, lalo na ang mga kawani ng gobyerno, na makiisa sa sabayang paglilinis at gawin ang kanilang bahagi upang matulungan, mapangalagaan at maisalba ang kalikasan.

Bago ito, masigasig na ring nakibahagi ang Bulacan sa iba’t ibang clean-up drive kabilang ang ‘Battle for Manila Bay’ na ginanap noong Enero na isang adbokasiya ng pamahalaang nasyonal sa pamamagitan ng Department of Environment and Natural Resources.

Ang sabayang paglilinis ay bunga ng limang araw na Barangay­ Summit na ginanap sa Balagtas Hall ng ­Hiyas ng Bulacan Convention ­Center noong Setyembre­ 16, 17, 18, 20 at 24, 2019 kasama ang mga kapitan ng lahat ng barangay sa Bulacan. (Jun Borlongan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy