Una sa Balita

56 pts ni Aldridge lumunod sa OKC

By
0 297

NAGLIYAB ng career-high 56 points si LaMarcus Aldridge at nasalag ng San Antonio Spurs ang triple-double ni Russell Westbrook para takasan ang Oklahoma City Thunder 154-147 sa double overtime Miyerkoles ng gabi.

Naglista ng 7 points sa second OT si Aldridge, sinahugan ng 4 points, isang steal at krusyal na block ni Derrick White kay Jerami Grant sa rim habang abante ang San Antonio 148-144 kulang 2 minutes na lang.

Tumapos si White ng 23 points, ibinaon ni Marco Belinelli ang lima niyang 3-pointers tungo sa 19 points para sa Spurs.

Pasabog si Westbrook ng 24 points, 24 rebounds at 13 assists.

Walang isinablay ang San Antonio sa unang 14 3-point attempts para magtala ng bagong franchise record. Ang dating­ high ng Spurs sa 3-pointers sa pag-uumpisa ng laro ay 11 kontra Sacramento noong 2002.

Nakakatipon na si Aldridge ng 17,758 career points.