Una sa Balita

56 dedo sa China virus

0 247

Pumalo na sa 56 ang nasawi dahil sa 2019 Novel Coronavirus (NcoV) na nagmula sa Wuhan, China.

Kahapon, Enero 26, tinatayang higit 1,900 katao na ang nagkaroon ng virus, 237 dito ang kritikal ang kon-disyon ayon sa state media ng China.
Ngayong dumarami ang nagkakasakit, nauubos na umano ang mga supply sa mga ospital sa Wuhan.

Nag-deploy na rin ang China ng 450 military medical staff sa lungsod na sentro ng coronavirus na may 11 milyong populasyon.

Naka-lock down na sa Wuhan at 13 iba pang lungsod ng bansa para mapigilan ang pagkalat ng 2019-nCoV, na kumalat na rin sa hindi bababa sa 13 bansa, kabilang ang Nepal, France, Australia, Malaysia, at
Amerika. (SDC)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More