Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

55K naitalang pasaway sa Alert Level 3 ng NCR

0 202

Pumalo sa halos 55,000 o kabuuang 54,971 indibidwal ang naitala ng Philippine National Police (PNP) na lumabag sa quarantine protocols sa Metro Manila simula nang ikasa rito ang Alert Level 3.

Sa ulat, sa kabuuang bilang ng mga pasaway ay 55% ang nakatanggap ng warning, 37% ang pinagpiyansa at 8% ang pinatawan ng sanction.

Pinakamarami dito ang lumabag sa ipinatutupad na COVID minimum health standards na may kabuuang bilang na 14,126 violators.

Oktubre 16 nang simulang ikasa ang Alert Level 3 sa Metro Manila kung saan magtatapos ito sa Oktubre 31.

Leave A Reply

Your email address will not be published.