Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

55-year-old municipal administrator sa Cagayan, patay sa pamamaril

0 767

Natagpuang patay nitong Linggo sa highway ng Barangay Callao Norte, Lasam ang isang 55-year-old municipal administrator sa Cagayan, ayon sa ulat ng Manila Bulletin.

Nakilala ang biktima ng pamamaril na si Augustos Agatep na nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan.

Ayon kay Police Regional Office 2 (PRO-2) Information Officer Lt. Col. Andree Abella, nakatanggap umano ang mga ito ng tawag kung saan namataan ang duguang biktima na nirespondihan naman ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP).

Hindi naman natukoy ng mga witness ang mga suspek na umeskapo sakay ng motorsiklo. (JAT)

Leave A Reply

Your email address will not be published.