Una sa Balita

55% ng mga Pinoy sugapa sa alak

0 343

NAKAKAALARMA na umano ang pagiging sugapa ng mga Pinoy sa inuming alak kaya’t dapat na magpataw ng mas mataas na sin tax para ma-discou­rage ang mga ito sa pag-inom na sobrang alkohol at mapangalagaan ang kanilang kalusugan, ayon kay Pia Cayetano.

Ginawa ng senador ang pahayag sa pakikipagdebate kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa Senate Bill 1074 na naglalayong itaas ang excise tax sa alak at electronic cigarette.

Punto ni Cayetano, ang pagiging sugapa ng mga Pinoy sa alak ay pangunahing proble­ma hindi lamang mga Pinoy kundi ng buong mundo.

“Just to put on record, the WHO [World Health Organization] is very much concerned about alcohol drinking worldwide, and it is its policy to use taxation as part of a comprehensive package to address this concern,” ani Cayetano.

Sa Pilipinas, lagpas kalahati o 55.7% ng mga matatanda (adult) ay malakas uminom ng alak, batay sa pag-aaral noong 2018 ng Expanded National Nutrition Survey (ENNS) ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute.

“The harmful effects of binge drinking are catas­trophic and are recognized globally. This is what we are trying to address through higher sin taxes,” sabi ni Cayetano, chair ng Senate ways and means committee.

Paliwanag nito ang tax rate ng SB 10-74 ay mas mataas sa nauna nang inaprubahan ng Kamara at ang rate na itinutulak ng Department of Finance. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy