Una sa Balita

55-90 sentimo taas singil sa gasolina, diesel

By
0 326

MAGMAMAHAL ang gasolina ng 90¢ per liter habang 55¢ naman ang diesel per liter sa Phoenix Petroleum simula alas-sais nang umaga ngayon, Pebrero 12, 2019.

Ayon sa Twitter account na Petrol Price PH, ganoon din ang itataas na presyo ng Shell, Petro Gazz, PTT, Eastern Petroleum at Jetti.

Bukod sa gasoline at diesel, magtataas din ng 85¢ per liter ang kerosene sa mga gasolinahan ng Shell ngayong araw.
Ang 55¢ hanggang 90¢ na pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo ngayong araw ay bunsod ng pagmamahal ng presyo sa world market nu’ng nakaraang linggo.

Iba pa ang pagtataas ng presyo ng mga ito dala ng implementasyon ng second tranche ng TRAIN sa excise tax ng mga produktong petrolyo.

Ang mga gasolinahang nagpapataw ng second tranche ng excise tax dahil naubos na ang imbentar­yo nila para sa 2018 ay obligadong magpaskil ng tarpaulin tungkol dito at magpasabi sa Department of Energy.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy