Una sa Balita

549 mga millennial tinamaan ng HIV

By
0 3,531

UMAPELA ang isang kongresista sa Senado na apurahin na ang pag-apruba sa panukalang batas hinggil sa human immunodeficiency virus/acquired immune deficiency syndrome (HIV/AIDS) dahil pabata nang pabata na ang mga Pinoy na tinatamaan ng natu­rang sakit batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH).

“New figures just released by the DOH show that in January and February this year 549 young Filipinos tested positive for HIV, and 79 of them are aged 10 to 19. Total reported cases for these two months were 1,892 and 304 of them were already at the advanced stages of HIV/AIDS when they were tested,” pahayag ni Bagong Henerasyon ­Party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy.

Labis na ikinaalarma ng mambabatas ang nasabing datos.

Kinakailangan na aniya ng bagong batas para malabanan at makapag­latag ng mga programa ang gobyerno laban sa HIV/AIDS sa lalong madaling panahon.

“The House has approved its bill on the matter. It would really help if the Senate version makes progress. Perhaps the DOH can ask the Senate Committee on Health how the process can be expedited. Perhaps some senators have specific concerns the DOH can clarify,” ayon kay Herrera-Dy.

Naniniwala ang mambabatas na importanteng maipatupad ang mga hakbang ng DOH laban sa HIV/AIDS gayundin ang agresibong implementasyon ng Rep­roductive Health (RH) Law.