Una sa Balita

53K apektado sa pagputok ng Taal

0 296

Uumabot na sa higit 53,000 ang bilang ng mga evacuee dahil sa pagputok ng Bulkang Taal ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Council (NDRRMC) kahapon.

Base sa inilabas na situation report ng ahensya kahapon nang umaga, umaabot sa 10,000 pamilya o kabuuang 43,681 katao ang nasa 217 evacuation center sa lalawigan ng Batangas, Cavite at Laguna.

Mayroon pa umanong 10,000 katao ang naglalagi sa labas ng evacuation center katulad sa kanilang mga kaanak at ibang residenteng nagmamalasakit na patuluyin ang mga apektado ng pagputok ng bulkan sa kani-kanilang bahay.

Samantala, patuloy naman ang pagbibigay ng tulong ng Department of Social Welfare and Deve­lopment at iba pang ahensya ng gobyerno at pri­badong kompanya para sa pangangailangan ng mga evacuee partikular ang mga gas mask, damit, inu­ming tubig at personal hygiene kit.

Hanggang alas-5:00 Miyerkoles nang umaga, aabot na sa 466 volcanic earthquake ang naitala sa Taal, at nananatili rin ito sa Alert Level 4 na na­ngangahulugang nakaamba pa rin ang panganib ng mas malakas na pagsabog nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More