3rd Sinag Maynila filmfest kaabang-abang

By

Naging pabuloso ang opening ceremony ng Sinag Maynila Film Festival “Sine Lokal, Pang-internasyonal” nitong Huwebes ng gabi sa Sky Park ng SM Aura.

Sina Solar Entertainment Corporation President/CEO Wilson Tieng at direk Brillante Mendoza sa pagbubukas ng Sinag Maynila Film Festival 2017. (Boy Borja)

Mga kilalang personalidad ang dumalo upang suportahan ang taunang Sinag Maynila bilang proyekto nina Solar Entertainment Corporation President/CEO Wilson Tieng at kilalang direktor na si Brillante Mendoza.

Bago ang mismong official gong ceremony ng dalawa, ilang beses na inawitan ang attendees ni France’s Got Talent finalist Alienette Coldfire.

Naging opening film ang Asian Three-Fold Mirror 2016: Reflections, kunsaan tampok dito ang mga obra nina directors Isao Yukisada (Japan), Mendoza (Philippines) at Sotho Kulikar (Cambodia).

France’s Got Talent finalist Alienette Coldfire (Boy Borja)

Nasa ikatlong taon ngayon ang naturang film festival at patuloy pa rin sa kanilang layuning mabigyan ng kamalayan, pagsusuri at magkaroon ng suporta ang mga manonood sa local independent cinema mula sa kategoryang full length, short film, at documentary. Mas kaabang-abang ngayon ang entries na maglalaban-laban.

Mayroong tig-limang entries sa mga kategoryang nabanggit para sa taong ito. Kabilang sa mga maglalaban-laban sa Full Length ay mga pelikulang Kristo ni HF Yambao (cast: Angela Cortez, Julio Diaz, Kristoffer King); Beyond the Block ni Ricardo Carranza (cast: Dante Basco, Turbo Bboy Ronnie, Chris “Style”, Ray Ann Fuentes, Mike Monserrat, Sandy Hontiveros, Archie Lacson, Jojo Alejar, Jungee Marcelo, The Maneuvers, Street Boys, UMD); Ladyfish ni Jayson Orfalas (cast: JC Santos, Martin Escudero, Brenda Mage, Ruby Ruiz); Bhoy Intsik ni Joel Lamangan (cast: RS Francisco, Ronwaldo Martin, Elora Espano, Jim Pebanco, Tony Mabesca, Jeric Raval); at Tu Pug Imatuy (cast: Malona Sulatan, Jong Monzon, Luis Georlin Banaag III)

Short Film: I am Jupiter, I am the Biggest Planet ni Matthew Victor Pastor; Ang Langit, Burger at ang Universe ni Emmanuel Escalona Jr.; Aliens Ata ni Karl Glenn Barit; Ang Hindi Ko Masambit ni Jose Maria Javier Manoos; at Tulay Buhay ni Paul Arrenze Dionela.

Documentary: Hango ni Avelino Mark Balmes Jr.; Kupkop ni Jaynus Olaivar; The Recycled Spirits ni Roel Cabato ni Noah del Rosario; Pagrara Sang Patipuron (Weaving a Circle) ni Jean Clare Dy, Manuel Domes;  at Krudo Boys ni Mirielle De Lara, Angelica Domingo, Dannieleth Julapong, Maria Agnes Malvar, Bea San Juan, Nathaniel Santiago.

Ang entries na ito ay mapapanood sa SM Megamall, SM North EDSA, Glorietta at Gateway mula March 9 hanggang March 14.

Sa detalye ng screenings schedule, magsadya sa www.sinagmaynila.com.


SHARE