Una sa Balita

530 katao huli sa magdamag na crime ops ng EPD

By
0 852

Umaabot sa 530 pasaway ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Eastern Police District (EPD) sa magdamagang anti-crimina­lity operations ng mga lugar na sakop nito.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni EPD Director Sr. Supt. Alfred S. Corpus, patuloy silang magsasagawa ng anti-criminality operations upang mabawasan ang mga pasaway na residenteng hindi sumusunod sa ordinansa at sa batas ng pamahalaan.

Nasa 130 katao ang inaresto ng Mandalu­yong Police kabilang ang dalawa sa illegal gambling, tatlo sa illegal drugs, 40 ang nahuli sa anti-smoking, nasa 30 naman ang riding in tandem at nasa 55 na naisyuhang traffic ­violators.

Abante Hiring – IT dep

Sa Pasig, nasa 120 ang timbog kabilang ang limang half naked o walang damit pang-itaas, 85 sa smoking, isa sa paglabag sa RA 9165 o illegal drugs act, isa sa homicide case na naisyuhan ng warrant of arrest, pitong rescued minor, tatlo ang nahuling urinating in public places at 19 sa traffic violations.

Nasa 250 naman ang mga nahuling pasaway sa Marikina City kabilang na ang 145 na traffic violators, dalawa sa illegal drugs, 18 na anti-littering, 15 ang half naked, at apat ang nahu­ling kabataang menor de edad sa curfew.

Samantala, 52 ang dinampot sa smoking in public place, tatlo na drinking in public place, siyam na sleeping in public place at dalawa ang nahuling umiihi sa poste habang nasa 30 naman ang nahuli ng San Juan Police kasama na ang isang half naked, isang drinking in public, 22 ang naisyuhan ng traffic violations, 1 service of warrant at limang rescued minor.

Sa ikinasang buy-bust operations ng EPD, umaabot sa 10 piraso ng plastic sachet na nag­lalaman ng shabu ang nakumpiska sa magdamagang operations na mayroong P1,000 buy-bust money.