Una sa Balita

52nd birthday ni VP Robredo, walang ingay

By
Vice Pres. Leni Robredo
0 4

Hindi tulad ng mga ibang lider ng bansa, tahimik na ipinagdiwang ni Vice President Leni Robredo ang kanyang ika-52 taong kaarawan ngayong araw (April 23).

Ayon kay Boom Enriquez, walang malakihang handa o selebrasyon sa kaarawan ni Robredo, sa halip ay kasama lamang nito ang mga mahal sa buhay sa kanilang bahay sa Quezon City.

Hindi sinabi ni Enriquez kung saan ang bahay ng mga Robredo sa Quezon City subalit iba ito sa tanggapan ng Bise Presidente  sa New Manila Quezon City.

“The Vice President is going spend her birthday with her family today at home in Quezon City,” ayon kay Enriquez.

Taliwas ito sa mga nakagawian ng ibang lider ng bansa na naghahanda ng bonggang-bongga sa araw ng kanilang kaarawan.

Huling nagdiwang ng kanyang ika-70 karawan si dating Panguo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa kanyang tahanan sa La Vista, Quezon City kung saan dinagsa ng mga kilalang pulitiko at negosyante kabilang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Star-studded din ang selebrasyon ng ika-80 taong kaarawan ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa Manila Hotel na dinaluhan din nina Arroyo, dating First Gentleman Mike Arroyo, dating Sen. Juan Ponce Enrile, dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at dating Vice President Jejomar Binay.