Una sa Balita

524 toneladang basura ng Malaysia, Indonesia nasabat sa Zhejiang

0 262

UMAABOT sa 523.7 tonelada ng solid waste ang nasabat sa Zhejiang, China ayon sa General Administration of Customs.

Ang nasabat na mga basura ay kabilang sa limang batch ng substandard polyester flakes mula sa Malaysia at Indonesia na ikinukunsi­derang ban sa China.

Ang mga basura ay dinala sa isang tanggapan ng gobyerno para iproseso.

Nagsimulang mag-import ng basura ang China bilang source ng mga raw material noong 1980 at sa mga nakalipas na taon ay ito ang tinaguriang world’s largest importer sa kabila ng kawalan nito ng maayos na garbage disposal.

Maraming kompanya ang iligal na nagdadala ng mga basura sa China para kumita pero nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng publiko.

Dahil dito ay nakatakdang ipatigil ng China sa katapusan ng 2019 ang pag-angkat ng basura.

Nakaraang taon ay inanunsyo na ng China government ang pag-ban sa 32 uri ng solid waste kabilang ang plastic at papel.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy