Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

52 todas sa Russian coal mine

0 186

Pumalo na sa 52 ang nasawi habang 12 katao ang na-trap matapos ang pagguho ng minahan sa Siberia, Russia.

Nagsimula ang insidente nang biglang umapoy ang coal dust sa ventilation shaft ng Listvyazhnaya mine sa Kemerovo region.

Ayon kay Regional Governor Sergei Tsivilev, natagpuang patay ang 52 habang ginagamot sa ospital ang 12 na iba pa kung saan apat ang kritikal.

Sinisiyasat pa ang ugat ng insidente.

Wala pa ring binibigay na salaysay ang may-ari ng minahan. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.