Una sa Balita

52 patay sa Indonesian quake

By
0 1

AFP — Umabot na sa 52 katao ang nasawi sa naganap na malakas na paglindol sa bansang Indonesia.

Ayon sa ulat, posibleng madagdagan ang bilang ng mga nasawi dahil sa maraming gusali at bahay ang gumuho dahil sa magnitude 6.8 na lindol.

Base sa US Geological survey, naitala sa layong 130 kilometro timog-silangan ng Banda Aceh sa northern Sumatra o sa bayan ng Reuleuet ang lindol na nasundan din ng limang malalakas ring aftershocks.

Kabilang sa mga nasawi ang isang babae at dalawang paslit na anak nito matapos mabagsakan ng gumuhong bahay ng mga ito sa Pidie Jaya, 11 milya ang layo mula sa sentro ng lindol.

Wala ring inilabas na tsunami warning matapos ang lindol.

May iniulat namang ilang gusali at mga mosque ang bumagsak at nagkaroon ng sira dahil sa malakas na lindol.