Una sa Balita

514 pedophiles hindi nakapasok sa Pinas

By
0 2

Dahil sa patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa mga dayuhang sex offenders ay umabot na sa 500 indibidwal ang napigilang makapasok ng Pilipinas at makapambiktima ng mga menor-de-edad at kabataan.

Base sa datos na inilabas ng Bureau of Immigration (BI), mula taong 2014 hanggang sa kasalukuyan ay nasa 514 foreign sex offenders o pedophiles ang naharang at hindi pinapasok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa bilang na 514 pedophiles na pinigilang makapasok sa bansa ay 400 sa mga ito ay pawang mga Amerikano, 80 ang Australians, 29 ang Britons, habang ang nalalabing bilang ay iba pang nasyunalidad.