Una sa Balita

51 ni James nalapnos; Curry, Warriors wagi

By
0 1,649

Naligtasan ng Golden State Warriors ang halimaw na laro ni LeBron James sa NBA Finals.

Sa tulong ng error ni JR Smith, at sa nakakapagpataas ng kilay na tinawag kay James sa dulo ng regulation.

Umiskor si Stephen Curry ng 29, sinamantala ng Warriors ang blunder ni Smith na nagpuwersa ng overtime, at nasalag ang 51-point performance ni James para takasan ang Cleveland 124-114 sa Game 1 Huwebes nang gabi.

Patapos na ang laro, nakipagsagutan si James kina Curry at Klay Thompson, maya-maya ay sina Tristan Thompson at Draymond Green naman ang nag-abot. Matapos ang replay review, binigyan ng flagrant 2 foul si Tristan at ejection 2.6 se­conds na lang sa OT.

Kamot-ulo si James sa pagtatapos ng regulation.

Ipinasok ni George Hill ang una sa dalawang free throws 4.7 seconds pa nang ma-foul ni Klay Thompson, sablay ang pangalawa pero nahablot ni Smith ang rebound. Kaya lang, sa halip na tumira ay nag-dribble si Smith patakbo sa halfcourt, akala siguro ay lamang ang Cavs.

Game 2 Linggo nang gabi (Lunes sa Manila) sa Oracle Arena pa rin. Noong 2015 nang sikwatin ng Warriors ang u­nang titulo ng prangkisa sa loob ng 40 taon laban sa Cleveland, nadesisyunan din sa OT ang first two games ng series – opener sa Golden State, Game 2 sa Cavaliers.

Tumira si James ng 19 for 32, may eight assists at eight rebounds sa opener ng kanyang eighth straight NBA finals appearance at sa Round 4 ng Cavs-Warriors. Ang 51 niya ay fifth most points sa NBA Finals history.

Balik si Kevin Love mula contusion para umayuda kay James ng 21 points, 13 rebounds.

Wala pa rin si Andre Iguodala sa Warriors dahil sa injury sa paa. Nagsumite si Durant ng 26 points at 9 rebounds, may 24 points si Thompson, tumapos si Green ng 13 points, 11 rebounds at 9 assists.