Una sa Balita

50th Guillermo box-office award KathNiel, Vice, Dingdong, Richard wagi

By
0 1,413

Inihayag na ng Guil­lermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF) ang mga nagwagi sa 50th Box-Office Entertainment Awards. 

Ginanap nu’ng January 27, 2019 ang deliberation at pagboto ng mga juror at inihayag na rin ang petsa ng kanilang awards night. 

Gaganapin ito sa Star Theater, Star Parks Corporation, Sotto Street, Cultural Center of the Philippines (CCP), Pasay City sa Sunday, March 24. 

Napagpasyahan ng bumubuo ng mga miyembro ng jury na bigyan ng Golden Jury Award ang pelikulang “The Hows Of Us” ng Star Cinema na nakapagtala bilang highest grossing film of all time. 

Nanatili naman ang kategoryang Phenomenal Stars of Philippine Cinema para sa mga bituing kabilang sa top-grossing film ng nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF), gayundin ang kategoryang Box-Office Kings at Box-Office Queen para sa se­cond top grossing film ng festival. 

Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi:

Golden Jury Award for Highest Grossing Film of All Times: “The Hows Of Us”

Phenomenal Stars of Philippine Cinema: Daniel Padilla at Kathryn Bernardo (“The Hows Of Us”); Vice Ganda, Dingdong Dantes and Richard Gutierrez (“Fantastica”)

Basahin sa abante.com.ph, tnt.abante.com.ph ang kumpletong listahan ng mga winner.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy