Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

50M Pinoy target sa COVID bakuna

0 173

Mula sa target na 20% ng kabuoang populasyon ng mga Pilipino, pinalawak pa ng gobyerno ang puntirya nitong mabigyan ng bakuna kontra COVID-19 subalit prayoridad pa rin ang mga sektor na tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang inisyal na plano nila ay 20% ng populasyon ang target na mabakunahan sa ginanap na pag-uusap ng DOH kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

Sa kanilang pag-uusap aniya lumabas na palawakin pa ang coverage ng pagbabakuna ng hanggang 50% o higit pa sa bilang ng mga Pilipino.

Sinabi ni Vergeire, ang nabanggit na “percentage of coverage” sa bakuna kontra COVID-19 ay kailangan para matamo ang konsepto ng pagbabakuna kung saan mabibigyan ng proteksyon ang sapat na bilang ng mga tao laban sa virus.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang importante umano ay pinalawak ng gobyerno ang bilang ng mababakunahan.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na unahin ang mga mahihirap sa pagbabakuna kontra COVID-19 gayundin ang mga frontliner na health care worker, at mga sundalo at pulis kasama na ang kanilang mga pamilya.

Ayon kay Vergeire, nag-uusap na sila para sa pagsasapinal ng mga prayoridad sa bakuna.

“We will be prioritizing specific populations first and then we can be able to roll it out and hopefully we can achieve this 60 percent of the population,” ani Vergeire.

Mahigit 100 milyon na ang populasyon ng Pilipinas kaya’t kung target na mabakunahan ang kalahati nito ay aabot sa 50 milyong Pinoy ang mabibigyan ng COVID-19 bakuna. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.